Pages

Martes, Agosto 30, 2011

TEMA : WIKANG FILIPINO: TINIG NG MGA GURO, TINIG NG MGA MAG-AARAL, WIKA NG KABAYANIHAN

PILIPINO KA, IPAGMALAKI MO !


Ang mga matatalino, pinagmamalaki ang kanilang mga utak. Ang mga mayayaman, pinagmamalaki ang kanilang pera. Ako, hindi man matalino o mayaman, may isang bagay akong ipinagmamalaki at habang buhay kong ipagmamalaki, at iyon ay ang aking wika, ang Wikang Filipino.

Bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating bansa, kailangan nating simulan ang pag-unlad sa ating mga sarili. Paano kaya? Simple lang. Gamitin, alagaan at pagyamanin natin ang ating sariling wika. Kung hindi natin ito sisimulan, paano uunlad ang ating bansa? Kung hindi ngayon, kailan pa? Imulat mo ang iyong mga mata, Kaibigan! Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral dulot ng kahirapan. Maraming mga Pilipino ang hindi marunong magbasa at sumulat. Paano tayo magkakaisa kung hindi naman natin maiintindihan ang ating kapwa Pilipino?

Tangkilikin natin ang sariling atin. Gamitin natin ito sa mabuting paraan. Bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Lalo na ang ating Wika, sapagkat ito ang daan upang lahat tayo'y magkaisa. Dugong kayumanggi ka! Ipagmalaki mo na ika'y Pilipino! Simulan mo ngayon, kaibigan!

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

Linggo, Agosto 21, 2011

TEMA : WIKA ANG INSTRUMENTO SA MGA PATAKARANG PANGKAUNLARAN AT PANGKATARUNGAN

" WIKANG FILIPINO, SUSI SA KAUNLARAN "

Tayong lahat ay may mga pangarap sa buhay. Marami tayong mga bagay na gustong gawin at palaganapin. Isa na dito ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, bilang isang Pilipino, nararamdaman ko rin ang sakit at hirap na nararanasan ng mga batang may mga pangarap at hindi naman nila matutupad. Marami nga ang umaangat at nakakapagtapos ng pag-aaral, pero isipin natin iyong mga batang natutulog sa kalye, nanglilimos, walang makain at walang kamuwang-muwang sa mundo. Paano na sila?



Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. May mga batas tayong sinusunod upang walang gulong magaganap at maayos ang pamumuhay ng lahat. Ngunit, nasa Pilipinas tayo! Wikang Filipino ang ating wika! Pero bakit Ingles ang ginagamit na wika sa mga batas na pinapahayag? Hindi ba natin napapansin ang ating kapaligiran? Imulat natin ang ating mga mata, kababayan! Maraming mga bata ang hindi marunong magbasa at magsulat. Paano pa kaya uunlad ang ating bansa, kung maraming mga tao ang hindi nakakaintindi ng wikang banyaga?

Kailangan nating magkaisa! Pero paano natin ito sisimulan? Sino ang unang gagawa ng hakbang? Hindi ang inyong mga magulang. Hindi ang inyong mga guro. At lalong hindi ang inyong mga kaibigan. Kundi sa iyo. Ikaw ang simula ng pagbabago! Gawin mo ang kaya at nararapat mong gawin, Kaibigan!

Linggo, Agosto 14, 2011

TEMA : WIKA SA PAGPAPATUPAD NG KAUNLARAN AT DISIPLINA SA BAYAN

" WIKA NATI'Y SUSI SA KAUNLARAN "



Ang gagaling nilang sumayaw at kumanta, hindi ba? Naaliw at nagandahan tayo sa kanilang mga itsura at sa kanilang pananamit. Bago ang lahat, tingnan at pakinggan muna natin itong isa pang video. 



Marahil ay hindi na ito binigyang pansin ng iba. Sa pananamit pa lamang nang grupong nauna ay malayong malayo na kumpara dito. Ngunit, habang tayo'y nakikinig sa kanta, hindi ba't may magandang mensahe itong sinasabi? Sa unang kanta, may mensahe ka bang narinig? 


Sa eskwelahan, patok na patok ang mga KPOP groups, KPOP dramas at iba pa. Kahit saang lugar sa eskwelahan, KPOP groups lagi ang pinag-uusapan. KPOP dito, KPOP doon. Ang iba, sa sobrang paghanga ay ginaya na nila ang paraan ng pananamit at sinikap pa nilang pag-aralan ang wika nila. 


Gumising ka, kaibigan! Ikaw ay Pilipino! Wikang Filipino ang dapat mong bigyang halaga. Ngunit, anong iyong ginagawa? Ang bansa nati'y naghihirap na. Ngunit, tayong mga Pilipino'y wala paring ginagawa. Sinisisi natin ang pamahalaan, pero ni minsan ba naisip niyo, tayo rin ang gumagawa ng sarili nating desisyon? Wala tayong ibang ginawa kundi manghusga! Paano uunlad ang ating bansa kung wala tayong pagkakaisa?

Pagkakaisa at disiplina ang kailangan natin upang Pilipinas ay umunlad!Tangkilikin natin ang sariling atin, sapagkat tayo ay Pilipino!

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

Huwebes, Agosto 4, 2011

Pilipino ako, Filipino ang wika ko



Paano ba nagkakaisa, nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang isang lipon ng mga tao sa isang bansa? Nagkakaisa tayong mga Pilipino, hindi dahil sa ating itsura o pananamit, sa ating paniniwala at mas lalong hindi dahil sa ating kilos o asal. Nagkakaisa tayong mga Pilipino dahil may isang bagay ang nagbibigay linaw sa atin upang tayo'y magkaunawaan. Ito ay ang ating wika. 

Ang wikang Filipino ang bumubo sa ating pagka-Pilipino. Kung titingnan natin, mapapansin natin na ang isang bansa ay hindi makukumpleto kung wala ang kanilang sariling wika. Ito'y hindi lamang isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa, kundi, ginagamit rin upang mailabas natin ang ating sariling saloobin. 

Ngunit, marami ng mga Pilipino ang hindi gumagamit ng ating wika. Minsan pa nga'y kinakahiya na ito, hindi binibigyang halaga at basta na lamang kinakalimutan ng iba. 

Tayong mga Pilipino, iisa lamang ang ating wika. Kahit saan mang sulok ng mundo tayo pumunta, sana'y patuloy parin nating gamitin, mahalin, pangalagaan, at pagyamanin ang ating sariling wika. Marami man tayong pagkakaiba, hiwa-hiwalay man ang ating mga pulo, iba-iba man tayo ng paniniwala at relihiyon, meron parin tayong tinatawag nilang PAGKAKAISA. At dahil dito, masasabi ko at kaya kong ipagsigawan sa buong mundo, AKO AY PILIPINO AT FILIPINO ANG WIKA KO!

Ikaw, kaya mo bang ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ay Pilipino at Filipino ang wika mo?

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.

Martes, Agosto 2, 2011

UGH -- Kapagod


Kapagod ng araw na ito. Wala ngang klase, pero kadaming ginawa (madami ba ?) ahahaha. Ah basta, I'm so tired !! Ang hirap maging studyante ! Pero lingaw man . ahahahaha ! Marami din namang Free time kanina. Nag Enjoy parin ako, kahit papano. 

Linggo, Hulyo 31, 2011

My Precious Gems










         Minsan, sa buhay natin, may mga bagay na hindi natin kayang gawin nang mag-isa lamang. Minsan, kailangan din nating umupo, magpahinga at buksan ang puso natin sa mga taong gustong tumulong. Mga kaibigang nakaupo lamang sa tabi at laging anjan sa mga oras na kailangan mo na sila.
            Mahirap humanap ng mga kaibigang totoo. Mga kaibigang tutulungan kang bumangon pag nadapa ka. Mga kaibigang hindi ka iiwan hanggang sa huli. Mga kaibigang kayang sabihin lahat, masakit man ito o hindi. Bihira lang makakita ng mga ganyang tao. Kaya, kung ano mang meron ka ngayon, alagaan mo at wag na wag mong bibitawan. You don't know, one day, you are too busy searching for a stone, not knowing that you already dropped your precious gem. Kaya, alagaan mong mabuti ang mga kaibigan mo. Remember, learn to love people and use things. Instead of, using people and loving things.
           Friends are like bloods. You may not see them that often, but are always there when you're hurt. :) I love my friends more than any objects here in Earth.
            

Biyernes, Hulyo 29, 2011

SMILE !

I hope you liked my posts. I know, some words are not properly used, but I really tried my best to make it. Don't worry, soon, I'll make a better one. Those are all my originals. I write poems when i'm bored, sad, alone, happy and inspired. It's like, I put all my emotions to it. I don't know, I just get some scratch papers and get my ball pen and sit down, and words suddenly, would come up in my mind. 
Well, had a tiring day. I need to rest now. Keep visiting my blog and read my posts! Till next time! Bye!



Kaibigang Hindi Ko Mahanap


Sa tuwing ako'y nalulumbay
Sabi mo ako'y laging may kaagapay
Ngunit nasaan ka ?
sa tuwing kailangan kita .

Marami nang nangyari
ngunit wala ka parin sa'king tabi
Dadating ka pa ba ?
Pangako, hihintayin kita .

Pinilit kong tanggapin ang sakit na nadarama
sapagkat, ako'y nagtitiwala at may pag-asa
na darating ang panahon na ika'y nandiyan na
tinutulungan ako sa aking mga problema

Ngunit, tinanong ko sarili ko ,
' May kaibigan nga ba talaga ako ?'
' O sadyang, ako lamang ang naghahanap,
ng Kaibigang hindi marunong tumanggap ".

Mahal Kita, Manhid Ka Lang




Noon pa ma'y , sinubukan ko nang lumayo sa'yo
Ngunit, kahit anong pilit ko, hindi ko parin mababago
ang tibok ng puso ko'y ikaw lamang at wala nang iba
dahil sa piling mo ako'y laging masaya

Subalit, nang nakilala mo siya
Bigla mo kong iniwan at sumama sa kanya
Ano bang dapat kong gawin ?
para ako'y iyong tanggapin ?

Paano na ako ?
iiwan mo na lamang ba ng ganito ?
Tama na, wag mo na akong pahirapan
pagkat ako ngayo'y nasasaktan

Mahal na mahal kita
Sana naman maramdaman mo na
Dahil pagod na pagod na ako..
na magmahal ng isang taong manhid kagaya mo ..

Minahal Kita, Dahil Naging Totoo Ka



Marami na akong taong nakilala
Pero sa'yo lamang ako naging masaya
Hindi ko alam kung anong meron sa'yo
basta't ang alam ko, ayoko nang lumayo

Nang ika'y lubos kong nakilala
sarili'y di ko na maalala
dahil sa ngiti mong kay tamis
puso ko'y natunaw at iyong inalis

isang araw, nagising na lamang ako
at nakita ang sarili kong nagmamahal na pala sa'yo
hindi ko alam kung papaano
basta't alam ko ika'y naging totoo

mahalin mo din sana ako
nang lubos at totoo
dahil pinapangako ko sa'yo
mamahalin din kita ng higit pa sa sarili ko ..

Sorry, Pero Mahal Talaga Kita

minahal mo ako, una palang tau nagkakilala
sorry kung di kita inalala
mai mahal pa kasi akong iba
at iun ay dati pa

pro naging loyal ka
hindi mo ako kinalimutan ng basta basta
kahit ilang beses na akong nagmahal
ikaw parin ay nanjan

at, sa wakas, minahal na kita
sana ako rin ay mahal pa
para naman ako'y maging masaya
dahil kasama kita

naging malapit tau sa isa't isa
nagkukwentuhan at nagkakatuwaan pa
masaya dahil nanjan ka
ako sana'y mahal pa

pero, nang siya'y iyong nakilala
lumipat na ang atensyon mo sa kania
napag iwanan mo na ako
kala ko ba ako mahal mo?

ginawa ko lahat para ika'y bumalik
pro kahit anong gawin ko, ako lang naman ang kaibigang matalik
sorry, pro mahal parin kita
sana naman bumalik ka na

ilang araw na ang dumaan
pro ikao ay nasa kania parin
anu ba ang dapat kong gawin?
para ika'y bumalik na sakin ?

sorry, pero mahal talaga kita
at kahit anong pilit kong sabihin sa isipan kong kalimutan ka
ang tigas naman ng puso kong iwan ka
dahil nga mahal kita !


--- this is one of my poem. I hope you liked it. I know, I'm not that good at writing poems, but, when i get bored or inspired, i write poems. ----

ALL I EVER WANTED WAS TO MAKE YOU HAPPY :)

GIRL'S POV ..
when i met you, i knew it already .. that you're the boy who would complete my life ..
i never told you what my feelings are because i was so scared that you would get mad and leave me alone ..
so, i acted like i don't care .. i don't care about what's happening in your life when the fact is i really do care ..  a lot ..
one day, you came to my house and asked me if i'm free ..
i said yes .. expecting that you might confess to me ..
when we got to the place where you wanted to go, you told me to sit down for a bit and wait for you ..
you left me and bought something for us to eat ..
it took you so long and it made me scared .. not because i'm alone .. i'm scared because of the thought that you really left me and found somebody to be with ..
then, suddenly somebody came and said , " do you want company ?"
he was so friendly to me and i can't deny him .. we talked and talked until the sun went down ..
you never came back .. i was hurt ..
one day, you came to my house again .. but this time, you were with somebody else.. you asked me if i'm free .. i wanted to cry and say no ..but then, you're my best friend .. and all i ever wanted is to make you happy .. even though it's not beside me.i answered yes .. you two were so sweet that my heart is in so much pain .. then suddenly he came again .. saying, " do you need company?" he was so kind to me that all i am feeling right now vanished .. maybe we're really not meant to be .. i was hoping that i could tell you what's inside my heart .. THAT I LOVED YOU SO MUCH AND ALL I EVER WANTED WAS TO MAKE YOU HAPPY ..

BOY'S POV
since the day i met you, i felt something strange .. a feeling that a person can't tell .. i never told you this because i was so scared that you would get mad at me and will never talk to me again ..
everytime you would tell and act that you never cared for me, my heart is in pain ..
i was hoping that you love me too and would care for me ..
when one day, i came to your house and asked you if you're free, i was so glad you answered yes ..
i left you alone in that place, because i was so afraid that you would get bored ..
so i bought something for us to eat ..
i was supposed to confess to you that time so i practiced every line that i will tell you ..
it took me so long to practice .. and when finally i got confidence, i came back but i saw you talking with somebody else .. it hurts to accept the fact that you were so happy talking with him ..
til that day, i told myself to stop loving you .. coz i know that you never loved me too ..
one day, i came back again .. but this time i brought my girlfriend .. i came to your house and asked you if you're free .. i was expecting that you would say no, but then you said yes .. i was happy .. everytime we holdhands, i always wanted that your hand is what i'm holding not hers .. everytime i look her in the eyes, i always wanted that your eyes is what i'm looking to .. but then, he came back again .. and again, the two of you talked and is always happy ..maybe we really are not meant to be .. but i was hoping that one day i could tell you what's really inside my heart .. THAT I LOVED YOU AND ALL I EVER WANTED WAS TO MAKE YOU HAPPY ..


Miyerkules, Hulyo 27, 2011

Ang Kwento ng Magkakaibigan


May tatlong magkakaibigan, si PINK, YELLOW, at PURPLE. Magkaibigan sila hanggang June ng second year life nila. Nung July, na meet ni PINK si BLACK. At doon nagsimula ang closeness nila. Napansin ni YELLOW at PURPLE na wala ng time sa kanila si PINK. Kaya nagkaroon ng conference ang COLOR family. Nag-usap usap sila tungkol sa tatlong magkakaibigan. Sinabi ng bawat isa ang kanilang mga opinion. Hindi alam ni PINK na ganun na pla kalala ang problema. Sinubukan niyang i-ayos ito. Hanggang sa dumating na ang buwan ng Disyembre. Christmas party iyon. Ngunit, hindi parin nagpapansinan sina PINK, YELLOW, at PURPLE. Palabas na sana ng room sina YELLOW at PURPLE, nang sinabi ni GREEN na ," ibigay mo na sa kanila". Gi-poke ni PINK sina YELLOW at PURPLE, para ibigay sa kanila ang letters niya. Hindi man makabasa ng maayos sina YELLOW at PURPLE ng nakatayo, kaya bumalik sila sa upuan nila at umupo. Habang binabasa nila ang sulat, binabasa din ng COLOR family ang sulat sa likod nila. At doon nagsimula ang iyakan. Lumapit si PINK sa kanila YELLOW at PURPLE , at humingi ng tawad. At doon, naging magkaibigan ulit sina PINK, YELLOW at PURPLE. At sa araw na iyon, nagkabati na ang lahat.




                                                                            psssst -- YELLOW , ikaw bya nagkwento sakin nito XD

Linggo, Hulyo 24, 2011

Ang Simpleng Ako :))

Simpleng tao lamang ako. Namumuhay sa isang simpleng buhay. Pangarap kong maging isang artista. Noon pa ma'y gusto ko nang maging isang sikat na mang-aawit, ngunit ang boses ko ay hindi naman ganoon kagaling. Pero, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos, na binigyan niya ako ng ganitong talento.


Masayahin akong tao. Palabiro at lageng may ngiti sa mukha. Sabi nga nila diba, " SMILE -- the only thing to do, to escape reality.. Even if it is obviously fake." Madali  maging tao pero mahirap magpakatao.

Mga taong bahagi ng buhay ko. :


Sisters !


Asay Gang :))


Triplets !


Bogs and Miat


Jharvie at ako :)


Tataii Yves , Papa Houl en and Triplets .


Newtonians !


Ate kambal !


Cattleyans !


Jollibee Family !

Masaya ako, dahil binigyan ako ng mga maiingay, malikot, masayahin at mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Mahal na mahal ko sila.