Pages

Linggo, Agosto 21, 2011

TEMA : WIKA ANG INSTRUMENTO SA MGA PATAKARANG PANGKAUNLARAN AT PANGKATARUNGAN

" WIKANG FILIPINO, SUSI SA KAUNLARAN "

Tayong lahat ay may mga pangarap sa buhay. Marami tayong mga bagay na gustong gawin at palaganapin. Isa na dito ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit, bilang isang Pilipino, nararamdaman ko rin ang sakit at hirap na nararanasan ng mga batang may mga pangarap at hindi naman nila matutupad. Marami nga ang umaangat at nakakapagtapos ng pag-aaral, pero isipin natin iyong mga batang natutulog sa kalye, nanglilimos, walang makain at walang kamuwang-muwang sa mundo. Paano na sila?



Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. May mga batas tayong sinusunod upang walang gulong magaganap at maayos ang pamumuhay ng lahat. Ngunit, nasa Pilipinas tayo! Wikang Filipino ang ating wika! Pero bakit Ingles ang ginagamit na wika sa mga batas na pinapahayag? Hindi ba natin napapansin ang ating kapaligiran? Imulat natin ang ating mga mata, kababayan! Maraming mga bata ang hindi marunong magbasa at magsulat. Paano pa kaya uunlad ang ating bansa, kung maraming mga tao ang hindi nakakaintindi ng wikang banyaga?

Kailangan nating magkaisa! Pero paano natin ito sisimulan? Sino ang unang gagawa ng hakbang? Hindi ang inyong mga magulang. Hindi ang inyong mga guro. At lalong hindi ang inyong mga kaibigan. Kundi sa iyo. Ikaw ang simula ng pagbabago! Gawin mo ang kaya at nararapat mong gawin, Kaibigan!

9 (mga) komento:

Jharvie Molana ayon kay ...

tayo dapat ang magsimula...dapt nating gamitin ang wika sa mga batas na ipinapatupad dahil ang iba ay hindi nakakaintindi kaya hindi na ito nasusundan ng maayos..

diannebelbider ayon kay ...

tama! kailangan sa ating sarili mismo mag simula ang lahat. gamitin ng mabuti ang ating wika, mahalin at ipagmalaki.. kailangang mamulat ang ating pamahalaan na d lahat ng tao sa Pilipinas ay marunong umunawa ng salitang banyaga. paanu nila masusunod ang mga alituntuning ipinapatupad ng ating pamahalaan kung sila mismo ay d na kakaintndi nitu. kailangang gamitin ang sariling atin!!

Vay_ee ayon kay ...

matagal ko na rin akong napapaisip tungkol sa batas ng ating bansa na naisusulat sa wikang banyaga. Masasabing maswerte tayong nakapag aral dahil naiintindihan natin ang mga batas, ngunit paano na ang mga walang alam tungkol sa wikang banyaga? Sa tingin mo, isa rin kaya ito sa dahilan kung bakit marami-rami pa rin ang hindi nakakasunod sa batas ng bansa?
Maayos na pagkahayag at pagkasulat! Binabati kita!!

Jasmin Rayne Pajarillo ayon kay ...

Marahil tama ang iyong opinyon, kung gayon, dapat ating isagawa ang mabuti nating naiisip, kung di man sa buong bansa sa ating lugar. Simulan natin ang pagbabago ! Tayo'y gumalaw !, Tayo'y Pilipino !

Rish ★ ayon kay ...

Maayos ang iyong pahayag at ako'y sumasang-ayon sa iyong opinyon. Dapat magsimula ang pagbabago sa ating sarili mismo !
Subalit may napansin ako sa iyong huling talata, ang ibig mo bang sabihin ay "hakbang" sa halip na "hakang"? Ako rin ay nalilito sa pangungusap na ito "Kundi sayo" ibig mo bang sabihin na "Kundi ikaw". Yan lamang ang aking masasabi at ika'y aking binabati. :))

Miat 5138 ayon kay ...

@jharvie : Tama ka nga kaibigan ! Tayo ang Simula ! Salamat sa iyong pahayag, kaibigan !

Miat 5138 ayon kay ...

@dianne : Maganda ang ipinapalabas mong saloobin kaibigan! kailangan talaga nating gamitin ang ating wika. Ang lahat ay magsisimula sa atin. Salamat sa iyong pahayag.

Miat 5138 ayon kay ...

@vay: Kaya nga, kaibigan. paano na ang ibang mga bata na hindi nakapag-aral? Hindi uunlad ang ating bansa kung may iilan pa ang hindi naman makasunod sa mga batas dahil hindi nila naiintindihan. Tayo na nakapag-aral ay maswerte. Kaya tayo ang simula! Marami tayong magagawa para sa mga batang hindi makakapag-aral. Salamat sa iyong pahayag at sa iyong suporta.

Miat 5138 ayon kay ...

@jasmin: salamat sa iyong pahayag kaibigan! Tayo ay Pilipino kaya gamitin natin ang ating wika!

@yenxx : salamat sa iyong pahayag kaibigan. Ipagpatawad mo ang mali ko. Nagkamali lang po ako sa pagtype. "Hakbang" ang tamang salita diyan. Pero, salamat at ika'y sumasang ayon sa aking opinyon.

Mag-post ng isang Komento