Pages

Martes, Agosto 30, 2011

TEMA : WIKANG FILIPINO: TINIG NG MGA GURO, TINIG NG MGA MAG-AARAL, WIKA NG KABAYANIHAN

PILIPINO KA, IPAGMALAKI MO !


Ang mga matatalino, pinagmamalaki ang kanilang mga utak. Ang mga mayayaman, pinagmamalaki ang kanilang pera. Ako, hindi man matalino o mayaman, may isang bagay akong ipinagmamalaki at habang buhay kong ipagmamalaki, at iyon ay ang aking wika, ang Wikang Filipino.

Bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating bansa, kailangan nating simulan ang pag-unlad sa ating mga sarili. Paano kaya? Simple lang. Gamitin, alagaan at pagyamanin natin ang ating sariling wika. Kung hindi natin ito sisimulan, paano uunlad ang ating bansa? Kung hindi ngayon, kailan pa? Imulat mo ang iyong mga mata, Kaibigan! Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral dulot ng kahirapan. Maraming mga Pilipino ang hindi marunong magbasa at sumulat. Paano tayo magkakaisa kung hindi naman natin maiintindihan ang ating kapwa Pilipino?

Tangkilikin natin ang sariling atin. Gamitin natin ito sa mabuting paraan. Bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Lalo na ang ating Wika, sapagkat ito ang daan upang lahat tayo'y magkaisa. Dugong kayumanggi ka! Ipagmalaki mo na ika'y Pilipino! Simulan mo ngayon, kaibigan!

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

6 (mga) komento:

Laurence 13 ayon kay ...

Ako ay Pilipino at Ipagmamalaki ko yun .. Isang napakagandang pahayag kaibigan .. :)

Miat 5138 ayon kay ...

Salamat kaibigan!

Kim Henri ayon kay ...

Hindi ako mayaman, hindi rin ako matalino at higit sa lahat wala akong mga pag-aari. Pero sasabihin ko kaibigan, mayroon akong maipagmamalaki. Ang kulay ko't wika. Itong mga bagay na ito ang tangi kong maipagmamalaki hindi lang sa iyo kundi sa buong sangkatauhan. Sapagkat dahil sa mga bagay na ito taas noo akong nagsisikap upang pangalagaan at mahalin ang aking wika.

Achaemenid Panuncillo ayon kay ...

AKO AY PILIPINO!!!!! AT MAIPAGMAMALAKI KO ITO!!!! tama ang iyong mga sinabi Hyeje.. di porket akoy mahirap man o walang alam, ako ay is pa ring Pilipino!

Miat 5138 ayon kay ...

@Kim: Ako'y humahanga sa iyong sa iyo kaibigan. Sang ayon ako sa mga sinabi mo. Ipagmalaki mo talaga ang mga bagay na iyan. Sapagkat, ang mga bagay na iyan ay hinding hindi mo maibibila kahit saan at kanino man. Salamat sa iyong komento kaibigan!

Miat 5138 ayon kay ...

@Achaemenid: Hanga ako sa iyong mga sinabi kaibigan! isa kang Pilipino at ipagmalaki mo ito! salamat at sumang ayon ka sa mga sinabi ko!

Mag-post ng isang Komento