Paano ba nagkakaisa, nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang isang lipon ng mga tao sa isang bansa? Nagkakaisa tayong mga Pilipino, hindi dahil sa ating itsura o pananamit, sa ating paniniwala at mas lalong hindi dahil sa ating kilos o asal. Nagkakaisa tayong mga Pilipino dahil may isang bagay ang nagbibigay linaw sa atin upang tayo'y magkaunawaan. Ito ay ang ating wika.
Ang wikang Filipino ang bumubo sa ating pagka-Pilipino. Kung titingnan natin, mapapansin natin na ang isang bansa ay hindi makukumpleto kung wala ang kanilang sariling wika. Ito'y hindi lamang isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa, kundi, ginagamit rin upang mailabas natin ang ating sariling saloobin.
Ngunit, marami ng mga Pilipino ang hindi gumagamit ng ating wika. Minsan pa nga'y kinakahiya na ito, hindi binibigyang halaga at basta na lamang kinakalimutan ng iba.
Tayong mga Pilipino, iisa lamang ang ating wika. Kahit saan mang sulok ng mundo tayo pumunta, sana'y patuloy parin nating gamitin, mahalin, pangalagaan, at pagyamanin ang ating sariling wika. Marami man tayong pagkakaiba, hiwa-hiwalay man ang ating mga pulo, iba-iba man tayo ng paniniwala at relihiyon, meron parin tayong tinatawag nilang PAGKAKAISA. At dahil dito, masasabi ko at kaya kong ipagsigawan sa buong mundo, AKO AY PILIPINO AT FILIPINO ANG WIKA KO!
Ikaw, kaya mo bang ipagmalaki at ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ay Pilipino at Filipino ang wika mo?
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook.
32 (mga) komento:
sasagutin ko ang iyong tanong.
kaya kong ipagsigawan at ipagmalaki sa buong mundo na Pilipino ako at Filipino ang wika ko,dahil pinapahalagahan ko ang ating sariling wika sapagkat ito ay naging ilaw at lakas sa tuwid na landas.
@alyssa mae: Maraming salamat sa iyong sagot. Natutuwa ako at kaya mong ipagmalaki na ikaw ay Pilipino at Filipino ang wika natin. :)
wow! good work! keep up! :D
ihinihiling ko ang inyong panalo sa paligsahan ng blog!
Sadyang napakahalaga ng wika natin, kaya kailangan talaga natin itong gawing isang kayamanan upang hindi ito mapalitan ng ibang wika .. :)
@Jan Claridel : maraming salamat, ginoo. Ako'y lubhang natuwa at nagustuhan mo ang aking blog. :)
@Laurence 13 : talagang mahalaga ang ating wika, kaya'y dapat natin itong pagyamanin at mahalin. :)
good luck!
@Charlene Joy : Maraming salamat sa iyong suporta ! :)
Pilipinas ang bayan ko
Pagkat Pilipino ako
Filipino ang wika ko
At ipinagmamalaki ko ito....
goOd luCk to yOu...!!! ^^
Sadyang mahalaga ang wika natin, sapagkat, Bigay ito ng Poong Maykapal satin. :). Napahanga mo ako sa iyong blog. Wari'y ipagpatuloy mo ang pagbloblog <3
@ako si lEv : salamat sa iyong suporta. Ako'y natutuwa dahil ipinagmamalaki mo ang ating wika ! :)
@AJonsLeeK3KPOP : Ako'y natutuwa dahil nagustuhan mo ang aking blog. Talagang mahalaga ang ating wika, kaya dapat natin itong mahalin at ipagmalaki. :)
ang tunay na halaga ng wika ay bumubuo sa tunay na halaga ng tao.. :)
good luck sa iyo! wag kang magsawang mahalin ang ating pambansang wika! :D
@zedrickguanzon: maraming salamat po sa puna niyo. Hinding hindi po talaga ako magsasawang mahalin ang ating pambansang wika. :)
tama lang na ating maipagmalaki ang ating sariling wika sapagkat ito ay ang Puso ng ating kultura..
gud luck!! ^_^
@pinoy ako : tama ka nga ! maraming salamat sa iyong suporta. :)
kaya kong ipagsigawan sa buong mundo at ipagmalaki na ang wika ko ay filipino... dapat natin pahalagahan ang sariling atin tulad ng ating wika dahil marami na ang nahuhumaling sa ibang wika lalo na ang mga kabataan... dapat hindi natin ikahiya ang sariling atin tulad ng ating wika at kultura...tama ka nga,hindi mabubuo ang isang bansa kung wala itong wika...kaya dapat natin pahalagahan ang wikang filipino dahil sa wikang yan nagKAKAINTINDIHAN tayo at nagKAKAISA...
Napakahalaga ng wikang Filipino at hindi dapat ikinakahiya ang pagiging Pilipino. (: good luck po.♥
@jharvie Molana : natutuwa ako at kaya mong ipagmalaki ang ating wika, ginoo ! Maraming salamat sa iyong puna.
@Chelsea : Tama ka nga, binibini. Hindi talaga dapat ito ikahiya, sapagkat ito ay sariling atin. Salamat sa iyong suporta :)
magaling ang ginawa mo.!
@wyne Brent : maraming salamat sa iyong pagpuri, Ginoo !
haha
makatang makata si ate!!
astig!!
@angel : maraming salamat angel . Ahahaha :)
Sana manalo ka sa paligsahan sa paggawa ng blog
Hyejie.. binabati kita sa magandang pagkakasulat mo sa blog mo.. sang-ayon ako sa iyong sinulat na ang wikang Filipino ang nagbibigay-daan upang magkaunawaan tayo. Tulad mo, pinagmamalaki ko rin na ako ay Pilipino at Filipino ang wika ko!
@palakang toti: salamat sa iyong suporta !
@jissylle vay: salamat! Ako'y lubhang nasiyahan at ika'y sang-ayon sa aking sinulat.
sadyang napakahalaga ang wikang filipino dahil tayo ay pinanganak na pilipino.maraming salamat sa nag gawa ng blog na ito dahil sa pamamagitan nito maraming pilipino ang magmamalaki sa sariling wika at ang ating kultura
@Charlene: Sadyang mahalaga talaga ang ating Wikang Filipino. Sapagkat dahil dito, lahat tayo ay nagkakaunawaan. Maraming salamat sa iyong Suporta kaibigan.
Mag-post ng isang Komento