Marami na akong taong nakilala
Pero sa'yo lamang ako naging masaya
Hindi ko alam kung anong meron sa'yo
basta't ang alam ko, ayoko nang lumayo
Nang ika'y lubos kong nakilala
sarili'y di ko na maalala
dahil sa ngiti mong kay tamis
puso ko'y natunaw at iyong inalis
isang araw, nagising na lamang ako
at nakita ang sarili kong nagmamahal na pala sa'yo
hindi ko alam kung papaano
basta't alam ko ika'y naging totoo
mahalin mo din sana ako
nang lubos at totoo
dahil pinapangako ko sa'yo
mamahalin din kita ng higit pa sa sarili ko ..
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento