PILIPINO KA, IPAGMALAKI MO !
Ang mga matatalino, pinagmamalaki ang kanilang mga utak. Ang mga mayayaman, pinagmamalaki ang kanilang pera. Ako, hindi man matalino o mayaman, may isang bagay akong ipinagmamalaki at habang buhay kong ipagmamalaki, at iyon ay ang aking wika, ang Wikang Filipino.
Bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating bansa, kailangan nating simulan ang pag-unlad sa ating mga sarili. Paano kaya? Simple lang. Gamitin, alagaan at pagyamanin natin ang ating sariling wika. Kung hindi natin ito sisimulan, paano uunlad ang ating bansa? Kung hindi ngayon, kailan pa? Imulat mo ang iyong mga mata, Kaibigan! Maraming mga bata ang hindi nakapag-aral dulot ng kahirapan. Maraming mga Pilipino ang hindi marunong magbasa at sumulat. Paano tayo magkakaisa kung hindi naman natin maiintindihan ang ating kapwa Pilipino?
Tangkilikin natin ang sariling atin. Gamitin natin ito sa mabuting paraan. Bigyan natin ito ng pagpapahalaga. Lalo na ang ating Wika, sapagkat ito ang daan upang lahat tayo'y magkaisa. Dugong kayumanggi ka! Ipagmalaki mo na ika'y Pilipino! Simulan mo ngayon, kaibigan!
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook